Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Project Lafftrip
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7

Philippines 10 Best Humor Blogs Partial Tally [As of 01/02/2008]

$
0
0

Heto ang partial tally ng botohan para sa Project Lafftrip Laffapalooza – ang paghahanap para sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Nag-umpisa ang project Lafftrip noong November 2007 at magtatapos ngayong September 2008.  Ito ang mga blogs na sobrang nakakaadik kahit walang hinalong drugs,  kaya, ladies and gentlemen, heto na ang mga pangalan ng super stars ng Philippine blogging community: 

§        

Rank 1:  Inday [blogniinday.com] 

“Ang sosyal na katulong.  Akdang tiyak na magpapadugo sa iyong ilong! The fangs of this adamant chambermaid will truly stir your brains to grab the nearest dictionary or search some hifaluting (?) words over Meriam Webster Online”!  - jgsmart.wordpress.com

  •  4,300 votes 

§        

Rank 2:  Maruism [maruism.com] 

“Ang kakabog kay Ruffa Mae Quinto, Ai-Ai delas Alas at Tiya Pusit.” – jojitah.com

  •  2,900 votes      

§        

Rank 3:  Reyna Elena [reynaelena.com]

“She tackles Philippine economy and other socio-political events with a hint of satire and sarcasm. Another rare co-incidence of two supposedly exclusive events.” – kotsengkuba.com

  •  2,300 votes 

§        

Rank 4 : Maldito [thegreatmaldito.wordpress.com]

“Makulit at maldito talaga… Basahin niyo ang blog niya at tiyak mapapasaya niya kayo. Sobrang totoo at mabait na nilalang. May sinabi nga siya sa akin dati, ‘Gage..indi ko kaylangan naman ng boto eh..sapat na yun na madaming masaya sa blog ko..-Maldito.’ Oh di ba? Pang-Nobel Prize na ang lolo mo! Niyahahaha!” – jeckyll27.wordpress.com

  •  1,800 votes 

§        

Rank 5 – 6:  Spontaneity [jojitah.com] 

“Kabilang sa linya ng mga superstars at kadivahan to the nth level. Sobrang enjoy basahin a ng mga post ng divang ito. Makulit pa siya sa makulit na aakalain mong isa siyang baklang nasa katawan ng babae. Marami rin ang nag-aabang sa kanyang two-piece attire na pinapangarap.” – jeckyll27.wordpress.com 

  •  1,700 votes 

§        

Rank 5 – 6:  Anak ni Kulapo [kopongkopong.blogspot.com]

“He dares to be funny and be successfully funny at the same time. This is such a rare co-incidence, a rare universal phenomenon.” – kotsengkuba.com

  •  1,700 votes 

§        

Rank 7: Gagopolis [poli-adik.blogspot.com]

“Madaming alam sa kalokohan itong batang to. Madami na syang napasayang tao kaya sa tingin ko ay isa sya sa mga dapat manalo sa pa-contest na ‘to kahit bihira na sya mag update ngayon..ang pag aaral nga naman panira talaga sa bisyo.” – gasti.wordpress.com

  • 1,600 votes 

§        

Rank 8: Chuvaness [mynosebleed.com]

“How can you stop yourself laughing when while reading her melodramatic notes what you can visualize  a girl in nasal hemorrhoid.” – kotsengkuba.com 

  • 1,500 votes  

§        

Rank 9- 11: Chiksilog [empermera.blogspot.com]

“Blog ni xienah, nakakatawa at nakakaaliw.  Saksakan pa ng ganda at kaseksihan!” – deardiarya.blogspot.com

  • 1,400 votes 

§        

Rank 9- 11:  Chillidobo [chillidobo.wordpress.com]

“Astigin ‘tong blogger na ito kasi magaling ang flow of thought ng mga kwento. Mahusay siyang magsulat at puno ng sandamukal na patawa sa bawat post. Pinakaabangan ko ang love story nila ni Maria Makiling. At sana dumating ang araw na mapasagot niya rin ito hehehe..” –jeckyll27.wordpress.com 

  • 1,400 votes 

§        

Rank 9- 11:  Mr. D [deardiarya.blogspot.com]

Pundasyon. institusyon. sapatos ni syon. magigiba ang blogosphere kung wala siya. wala pang salitang friendster, nagpapatawa na si MrD.  Gusto ko manalo ang mentor ko.”empermera.blogspot.com

  • 1,400 votes 

§        

Rank 12 – 13: Jon Cabron [joncabron.wordpress.com]

“This guy’s brilliant. Hanga ako dito. He is funny without even trying. I love his ascerbic wit. Walang katulad. Wala!” – jovi2hottie.wordpress.com

  •  1,200 votes 

§        

Rank 12 – 13:  Green Pinoy [greenpinoy.com]

“ Ano ang pinagkaiba niya sa ibang blog? Marami. Mga jokes na corny, mga pictures na sobrang kakaiba, mga kwentong out of this world, mga youtube videos ng isang frustrated comedian at singer at his best, at mga comments na nagmula pa sa sa mga pinoy sa iba’t-ibang panig ng mundo. Saludo ako kay Jason kasi sa blog niya lahat bida. Naks, parang wowowee..hehehe.. Greenpinoy is the bestest! – jeckyll27.wordpress.com

  •  1,200 votes 

§        

Rank 14 – 15: Gasti [gasti.wordpress.com]

“Adbentyurs ng isang pugante na madalas namang mabuking ng kanyang esmi na tila kalahi ni Yuri” – chillidobo.wordpress.com 

  • 1,100 votes 

§        

Rank 14 – 15:  Defpotec [defpotec.wordpress.com]

“Nalulungkot ka ba? Nalulumbay? Walang magawa sa buhay? O sadyang mahilig lang sa Bombay? Pumunta ka sa blog ni DEFPOTEC at nandoon ang lunas sa iyong kalungkutan. Garantisado!” – jovi2hottie.wordpress.com

  • 1,100 votes 

§        

Rank 16 – 17: Marijuana Den [marcelomcrey.blogspot.com]

“Ang blog na pantapat  sa sikat-na-sikat na si Inday…dahil, Si Arajaya lang ang TUNAY NA SUSYAL.” – marcelomcrey.blogspot.com

  • 1,000 votes 

§        

Rank 16 – 17:  Pinoy Humor Blog [paulding.blogspot.com]

“Man, his photoblog rocks!!! He posts photos of things that are humorous and lets us in to what he thinks is funny. Must be cool to think like him.” – evilwoobie.com 

  • 1,000 votes 

§        

Rank 18: King Daddy [kingdaddyrich.blogdrive.com]

“His header image is a latin proverb that denotes something serious, but his wit and writing style are anything but. He made me laugh the most when he posted his categories of bloggers’ behaviors all over the internet. Especially how he described bloggers who just comment on another blog to say “x-link?”…. He did that to me actually, and I laughingly reacted when he didn’t keep his end of the bargain.” – evilwoobie.com

  • 900 votes 

§        

Rank 19 – 20: Anukayayun [anukayayun.blogspot.com]

“Sa lamig ng kanyang pangalan ay mapapadyebs ka  sa kakatawa sa mga piktyur na pinapakita ng taong walang mukha ngunit may ilong na si Coldman. Grabe talaga naman.” – jmagreda.blogspot.com

  •  700 votes 

§        

Rank 19 – 20: Blasted Brain Blog [crost23.blogspot.com]

Bihira kasi sa isang blog yung brains ang sasakit imbes lungs sa kakatawa.  Kung may 3o’clock habit, ipapauso ko ang 5:30habit. Ito ang oras kung saan maglalagay tayo ng putopao at kutsinta sa pedestal katabi ng litrato ni combatron habang nagninilay nilay. Mag-aalay tayo ng panandaliang katahimikan kung saan ang ating pansariling kahilingan ay ang hindi niya pagkakaroon ng juwawhoopers. Ito ay para sa dahilan na walang sagabal sa kanyang blogging career.”  empermera.blogspot.com 

  •  700 votes 

§        

Rank 21 – 22: Blog ni Ella [ellaganda.com]

“Matindi  ito, seryoso mga banat parang nobela na drama. Yun pala nasa huli punch lines. Madalas nagugulat ako. Whoa!!! Whoa pa ulit!!!” – kopongkopong.blogspot.com

  •  600 votes 

§        

Rank 21 – 22: Ferbert [tanginang-alien.blogspot.com]

“Ibang klase kasi etong tirada nitong repapips ko, kahit me mura, hindi katulad nung mura nung ibang mga blogs na walang kwenta. Dito pag nakatikim ka ng lumalagutok na PI, you are loved”. – kopongkopong.blogspot.com

  •  600 votes 

§        

Rank 23 – 24: Kwentong Tambay [kwentongtambay.com]

“Si kuya batjay na ata ang pinaka- dabest pagdating sa mga kwentong kabulastugan. Simple ang banat pero may dating. Tumatawa na lang akong mag-isa pag binabasa ko mga entry nya. Kaya di nakapagtatakang siya ang one of the best blog nung 2004 and 2007” – anukayayun.blogspot.com

  •  500 votes 

§        

Rank 23 – 24:  Kamote Force [cycle.blogs.friendster.com]

“Parang Bob Ong Jr itong si Clarence Garcia!”“- humblejowdie.blogs.friendster.com

  •  500 votes  

§        

Rank 25 – 32: Professional Heckler [professionalheckler.wordpress.com]

“ ‘The problem with political jokes is they get elected’.  Akdang tiyak na kapupulutan ng aral at walang tigil na katatawanan. Kahit tulog ka na ay mapapangisi ka talaga sa kanyang mga naisulat. Wlang sinasanto! Walang kinakatakutan! His blog is not that of a typical personal experience. His’ is a political sattire that is sure to stir your patriotism. Its an experience na iyong babalik-balikan. Its like watching TV Patrol and Bitoy’s funniest videos at the same time!” –  jgsmart.wordpress.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Eat All You Can [eat-all-you-can.blogspot.com]

“Syempre, aliw rin ako sa entry ng kaibigan kong ito, kahit na lang ano pinagsusulat pero siguradong mapapangiti ka, kahit minsan medyo green iba pa rin ang banat.Hahaha! Astig ka bro!” – anukayayun.blogspot.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: The Badly Written Sitcom [sunriseshotgun.blogs.friendster.com]

“Badly written sitcom indeed”.

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Nanskii World [nanskii.multiply.com 

“Cool ang mga blogs niya, in fairness,  matatawa ka sa kanya ng todo.  Hehehe!” – alexbam2006.multiply.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Jake The Miserable [jakethemiserable.com]

“A sentimental brokenhearted fool :) , sharing his miserable life through laughter… never fails to crack me up.” – heyokity.blogspot.com

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Turismoboi’s Chronicle [turismoboi.blogspot.com]

“Laitan ba ang hanap mo? Hindi naman, BAD lang daw talaga siya… sabi nga niya ‘bad na kung bad’. Tuklasin ang mga nakakatuwang paglalakbay sa mundo niya! Wag nang mag-pa-chenilyn-chenilyn pa! Click na” – marcelomcrey.blogspot.com

  •  400 votes  

§        

Rank 25 – 32: Xavierykym [xavierkymguillen.blogs.friendster.com]

Ewan ko ba, natatawa talaga ako sa post niya. Kinukwento lang naman nya ang kanyang buhay as pinoy dun sa UK. Ang paggiging foreigner nya sa class nila, nag-iisang kayumanggi. Mga kinukulit nyang classmates dun at tinawag pa xa ng, “pek[2x]” without his classmate knowing what’s the meaning of that word.” – wapita.ph.gd

  •  400 votes 

§        

Rank 25 – 32: Munting Blog ni Agi [agistar.blogspot.com]

“Idol na magaling si Agi Armentia!”“- humblejowdie.blogs.friendster.com

  •  400 votes 

§        

Rank 33 – 39: Ayanstein’s Laboratory [ayanstein.com/letras]

“Free your mind.”

  • 300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Alexbam2006 [alexbam2006.multiply.com]

Cool and funny blogger”.

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Mister Hubs [misterhubs.blogspot.com]

“Aliw ako sa pagbabasa ng mga post nya. Kahit di siya bumibisita dito, e sa gusto kung basahin ang blog nya e, kasi naaaliw ako.  Ang daming prens ng taong ito kasi daming comments! Hahaha” anukayayun.blogspot.com

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39:: Calvin’s Hub [calvinshub.wordpress.com 

“A certified internet junkie who blogs to share his  opinions, knowledge and cool stuff he learns or finds along the way of this thing called ‘life’.”

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Bomba [danielyuson.wordpress.com]

“Mga kwentong kagula-gulantang, opinyong nakakawindang, sapantahang kasing init ng goto at komentaryong nakakalaglag postiso ng nag-iisang bathalang si Bomba! A teacher blogging his daily events in a no boundary manner. No inhibitions, no limits just plainly truth!” – jgsmart.wordpress.com

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Mundane Side of the Road [theblindrage.blogspot.com]

“’Expounding On The Mediocre Since 200’  tag line pa lang pamatay na. Ultimo everyday conversation eh nosebleed english pa… Witty and Bitchy. Funny! Nyahahaha… Oras na basahin, tatawa ka na lang ng walang dahilan – ganyan kalakas ang powers ni Tina.” – marcelomcrey.blogspot.com

  •  300 votes 

§        

Rank 33 – 39: Jeckyll27 [jeckyll27.wordpress.com]

“Kasosyo sa negosyo! Magaling na blogger”“- thegreatmaldito.wordpress.com

  •  300 votes  

§        

Rank 40 -46: Pinay Brodkaster [angpinaybrodkaster.wordpress.com]

I can’t get enough of reading her entries. Di sumasabog ang utak ko while going through her posts. Organized kung baga. Galing nyo po! “- wapita.ph.gd

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Twisted [jessicarulestheuniverse.com]

“Goddess of wit” – evilwoobie.com 

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Chona Mae [chona.blogspot.com]

“Siguro ay wala ng pakialam ang blogger na ito kung manominate siya. Naalala ko lang na ito ang nagpapatawa sa akin dati kaya inonominate ko pa rin. Mas gusto ko talaga ang classic na inday. To Chona, you said you are come back soon? When will your site be construct? Me and my friend is miss you” – schoolhopper.blogspot.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Loud Cloud [verbosecity.blogspot.com]

Masyado akong nawawalan ng dugo sa sobrang nosebleed sa blog nya.Hahaha!” – anukayayun.blogspot.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: Online Tabletas [humblejowdie.blogs.friendster.com]

“Idol ng mga April Boys” – humblejowdie.blogs.friendster.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46:   Mandaya Moore [mandayamoore-orlis.blogspot.com]

“Mga bayot sa bukid (mga bakla sa bukid). Tungkol sa pakikibaka ng mga magkakaibigang nagkakaibigan para sa iisang layunin! Ang mamuhay ng mayapa at magkaroon ng puwang sa lipunan. Their simple way of life has been pen down into details, shared and loved! A carefree life for a convivial people, is definitely hilarious!” – jgsmart.wordpress.com

  •  200 votes 

§        

Rank 40 -46: The Coffee Bean [cofibean.blogspot.com]

“Nakakaasar minsan pero NAKAKATAWA talaga. Lait kung lait ang drama tila isang dalawang may buwanang regla. Hay! Ingat na lang sa pagkokoment sa kanya kung ayaw mong masabihang ‘Hilariously Stoopid’- marcelomcrey.blogspot.com

  •  200 votes 

§        

Rank 47 -49: Geisha [jgsmart.wordpress.com] “Journey towards love, lust, life and identity!  Kahit most of the post are in serious notes and rants, you can still extract humor naman (Choz)! Bahala na si batman! Ha ha ha!” – jgsmart.wordpress.com

  •  100 votes 

§        

Rank 47 -49: Sayote Queen [sayotequeen.com]

“Isa syang girlie na mahilig sa sayote ewan ko ba. Basahin nyo na lang at malalaman nyo rin ang istorya nya” – chillidobo.wordpress.com

  •  100 votes 

§        

Rank 47 -49: Nakanampucha [nakanampucha.com]

“Maraming nakakainis sa ating mga Pinoy.   Na capture lahat sa blog na ito.” – jovi2hottie.wordpress.com

  •  100 votes  

*Update:  Bukas pa rin ang botohan dito sa Project Lafftrip Laffapalooza hanggang September 27, 2008.  Ang opisyal na resulta ng 10 Best Blogs at ang mananalo sa pa-raffle ay iaannounce sa September 30, 2008.   Sa mga gustong magpalit ng mga binotong blog, mag-rearrange ng ranking,  o magdagdag kung kulang sa lima ang binotong blog, meron pa kayo hanggang June 1, 2008 para gawin ito.  Pagkatapos ng June 1, hindi na pwedeng magpalit ng mga binotong blogs, mag-reaarange, o magdagdag.  Pag gumawa ng boto, huwag kalimutang iwan ang link ng inyong blogpost sa comment box ng Project Lafftrip Laffapalooza. 

Important:  Heto ang bagong puntos sa pagtatally ng boto:  Top 1 – 500 votes, Top 2 – 400 votes, Top 3 – 300 votes, Top 4 – 200 votes, Top 5 – 100 votes.  Wala naman itong epekto sa ranking.  Cool lang tignan pag maraming zero sa dulo. 

Sa mga binotong blogs, kung nais palitan ang nakalagay na description, i-email lang ang nais na description sa dwmx2[at]yahoo[dot]com na may subject na ‘Request Change of Blog Description’.   

Ang susunod na tally ay i-rerelease sa April at July.  Muli, ang final announcement ng Philippines 10 Best Humor Blogs ay mangyayari sa September 30, 2008.  Kasabay rin dito ang pag-announce sa mananalo sa pa-raffle. 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan