Bilang host ngayong taon ng Project Lafftrip Laffapalooza, opisyal kong sinisimulan ang 30 day countdown para sa eksayting ‘kilig to the bones’ na pagsalubong sa ating mga iniidolong 10 DaBest Pinoy Humor Blogs. Ito ang mga blogs na nagbigay sa ‘tin ng isanglibo’t isang tuwa, umalipin sa ating tonsil at funny bones, at nagpalakas ng ating utot sinadya man nila o hindi sinasadya. Ibang klase talaga kayo. Mga ‘halimawers’ sa pagpapatawa. You’re DaBest.
Heto ang mga numero at petsang wag kakalimutan: Sa Septyembre 20 bago mag-alas dose ng gabi magsasara ang botohan. Septyembre 22 naman ilalabas ang listahan ng mga pangalan ng bumoto na kwalipikado para sa parapol. 1 lang ang mananalo para sa ating parapol na pipili ng kanyang premyo – 15 tawsan, Sony Cybershot, o kaya N70 na sa sobrang tagal ng patimpalak na ‘to ay natukso nakong gamitin. Kaya payong kaibigan, wag niyo nang piliin ang N70, napamahal na siya sakin. Septyembre 30 ang resulta ng mananalo sa parapol at bilangan sa 10 DaBest Funny Blogs. 10 tropeo para sa 10 DaBest Funny Blogs. Wala nang certificates na ibibigay dahil mas mahal ang papel. Pinalitan na ‘to ng tropeo salamat kay Miss Weng na may-ari ng Gagatak store. 10 T-Shirts naman para sa 10 Best Humor Bloggers courtesy ng The Tshirt Project.
Gusto kong magpasalamat sa mga sponsors sa kanilang pagsuporta. Sa mga cool people ng The Tshirt Project [Carlo, Maryan, Alabang girls atbp] bilang ekslusibong eksplosibong sponsor ng patimpalak. Salamat din kay Miss Weng ng Gagatak sa pag-isponsor sa mga tropeo. Kung gusto niyo ng libreng tawa kahit wala pa kayong balak bumili, tumambay lang kayo sa Gagatak tindahan ni Weng. Libre ang saya. Tenkyu din sa mga may nagpakita ng interes na mag-isponsor dito sa Project Lafftrip tulad ng Eat My Balls pisbolan, McDomeng Lugawan, WashUrProblem laundry shop atbp. Hayaan niyo sa susunod po. Isang malaking tenkyu din kay Umleo23.com na nagpaunlak sa paanyaya na maging ‘video presentor’ ng Project Lafftrip sa taong ito.
At para sa mga bumibisita ng site na ‘to may blog man o wala, oo na sige na, meron din ako para sa inyo. Magpaparapol ako ng isang ‘humor tshirt’ mula sa The Tshirt Project. Sagutin lang ang tanong na to: ‘Kung may text votes para sa Humor Blogger’s Choice Award, kanino mo uubusin ang load mo para manalo?’ Wag kalimutang iwanan ang inyong email address. Ngayon na.